Monday, February 15, 2010

I Stand Alone

Solong anak ako, masaya sya nung una. Wala kang kaagaw sa laruan, pagkain, damit at atensyon ng magulang. Suwerte daw at naka lalaki si erpats, may magdadala na ng apelyidong "Balba". Sabi ko swerte ka talaga, dahil sa liit ng etits mo, buti naka buntis ka! (Sumalangit ka nawa ama.)

Tinamad malamang si Erpats na mangalabit kay ermats dahil matapos manganak, lumobo talaga ang katawan nya. Nakita ko ang mga lumang litrato ni ermats nung dalaga pa sya. balingkinitan at malaki ang "hinaharap". Napaisip tuloy ako kung iyon kaya ang nagustuhan ni erpats sa ermats ko. Malamang sa malamang... Hindi ko na mana sa kanya yung fetish na yun. Mas trip ko ang malaki ang pwet, mahabang mga hita at maputing kili-kili at singit. Ang mahirap sa fetish ko, hindi ko agad makikita kung maputi ang singit ng bebot. Yung kili-kili madali lang dahil ang babaeng maitim ang kili-kili, hindi madalas mag sleeveless, Kung mag sleeveless man, hindi sya na para ng taxi o nag re-recite kahit alam na alam nya ang sagot.

Tuwing tatanungin ako ng mga kamag-anakan ko kung gusto ko pa raw magkaroon ng kapatid, ang laging sagot ko ay "hindi". Bakit ko pa hahangaring magkaroon ng kahati sa mga X-Men figurines ko at mangilan-ngilang GI Joe na maluluwag na ang turnilyo? Masaya naman ako sa buhay ko eh. Iyon ang akala ko...

Noon inakala kong may "kaya" kami. Nabibili naman kasi namin ang gusto ng bawat isa. May Chritmas tree din kami tuwing pasko, labindalawang bilog na prutas ang nasa hapag tuwing New Year at may Santa Claus din pag dating ng 12 mid-night. Wala nga lang akong tooth fairy dahil tuwing natatangal ang ngipin ko, tinatapon ko ito sa bubong para kunin daw ng daga kapalit ng ngipin nya na turo sa akin ng erpats ko.

Hindi pala. Mali pala ang akala ko. Narinig ko minsan ang ermats ko na kausap ang erpats kong nagyoyosi ng Hope na naging Mark kinalaunan na maswerte daw at nag iisa ako, kung hindi, malamang sa public ako mag aaral at hindi sa private school. Tumanim sa mura kong isipan na wala pala kaming pera, na iginagapang lang pala ako ng mga magulang ko. Na maliit pala ang bayag, este bayad sa tatay ko bilang sundalo... Nalungkot ako, gosh! Parang Kelangan ko ng kakampi bigla...

Hindi ko inakalang darating ang araw na mag hahanap din ako ng kapatid. Yung tipong kahit gaano ka kabantot, Kahit tumae ka sa salawal mo, kahit sirain mo ang pinakapaborito nyang laruan o damit, mahal ka pa rin nya. Kahit walang pera, solid pa din kayo sa isa't isa.

No comments:

Post a Comment