Monday, February 15, 2010

I Stand Alone

Solong anak ako, masaya sya nung una. Wala kang kaagaw sa laruan, pagkain, damit at atensyon ng magulang. Suwerte daw at naka lalaki si erpats, may magdadala na ng apelyidong "Balba". Sabi ko swerte ka talaga, dahil sa liit ng etits mo, buti naka buntis ka! (Sumalangit ka nawa ama.)

Tinamad malamang si Erpats na mangalabit kay ermats dahil matapos manganak, lumobo talaga ang katawan nya. Nakita ko ang mga lumang litrato ni ermats nung dalaga pa sya. balingkinitan at malaki ang "hinaharap". Napaisip tuloy ako kung iyon kaya ang nagustuhan ni erpats sa ermats ko. Malamang sa malamang... Hindi ko na mana sa kanya yung fetish na yun. Mas trip ko ang malaki ang pwet, mahabang mga hita at maputing kili-kili at singit. Ang mahirap sa fetish ko, hindi ko agad makikita kung maputi ang singit ng bebot. Yung kili-kili madali lang dahil ang babaeng maitim ang kili-kili, hindi madalas mag sleeveless, Kung mag sleeveless man, hindi sya na para ng taxi o nag re-recite kahit alam na alam nya ang sagot.

Tuwing tatanungin ako ng mga kamag-anakan ko kung gusto ko pa raw magkaroon ng kapatid, ang laging sagot ko ay "hindi". Bakit ko pa hahangaring magkaroon ng kahati sa mga X-Men figurines ko at mangilan-ngilang GI Joe na maluluwag na ang turnilyo? Masaya naman ako sa buhay ko eh. Iyon ang akala ko...

Noon inakala kong may "kaya" kami. Nabibili naman kasi namin ang gusto ng bawat isa. May Chritmas tree din kami tuwing pasko, labindalawang bilog na prutas ang nasa hapag tuwing New Year at may Santa Claus din pag dating ng 12 mid-night. Wala nga lang akong tooth fairy dahil tuwing natatangal ang ngipin ko, tinatapon ko ito sa bubong para kunin daw ng daga kapalit ng ngipin nya na turo sa akin ng erpats ko.

Hindi pala. Mali pala ang akala ko. Narinig ko minsan ang ermats ko na kausap ang erpats kong nagyoyosi ng Hope na naging Mark kinalaunan na maswerte daw at nag iisa ako, kung hindi, malamang sa public ako mag aaral at hindi sa private school. Tumanim sa mura kong isipan na wala pala kaming pera, na iginagapang lang pala ako ng mga magulang ko. Na maliit pala ang bayag, este bayad sa tatay ko bilang sundalo... Nalungkot ako, gosh! Parang Kelangan ko ng kakampi bigla...

Hindi ko inakalang darating ang araw na mag hahanap din ako ng kapatid. Yung tipong kahit gaano ka kabantot, Kahit tumae ka sa salawal mo, kahit sirain mo ang pinakapaborito nyang laruan o damit, mahal ka pa rin nya. Kahit walang pera, solid pa din kayo sa isa't isa.

Papaano magsulat ng sulat?

Nagsasawa na rin ako maging romantiko, nakaka drain din kasi ng utak mag isip ng mga "deep shit" na pang akit at pang impress ng chicks. Kaya simula sa araw na ito, mga "light" na topics na lang ang babanatan ko, gaya ng tubol sa CR, tinga ni Gorke Ortega na tumtalsik na parang pana ni Legolas sa Lord of the Rings at ang tila musikang hilik ni Rey Flores tuwing natutulog sya habang nag ko-calls. Pero hindi naman lagi, pag tinamaan ako ng sumpong, malamang mag drama ulit ako

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mahilig mag sulat noon. Wala akong balak maging writer na malaki ang tiyan at pake-paketeng yosi ang nauubos para makatapos ng aklat/istorya/tula at kumikita ng sahod ng tahong vendor sa Baclaran.

Naaalala ko pa noon, ang madalas kong pagkaabalahan ay ang pag guhit ke Robert Akizuki aka Masked Rider Black (Ang angas nya talaga lalo na yung parte na umuusok na parang binasang watusi yung armor nya) Dinadalhan pa ako ng tatay ko ng gamit na bond paper na tinatawag nyang "Kokomban" para daw mahasa ang talento ko. Si nanay naman ang bumibili ng mga krayola at lapis (di pa daw ako pwede gumamit ng bolpen dahil hindi pa ako Grade 4) na madalas e hindi niya rin ipagamit dahil sayang daw at sa pasukan ko na lang buksan. So ayun, drawing dito, drawing doon, kulay dito, kulay doon.

Pero nakalakihan ko rin ang pag guhit, paminsan-minsan gumuguhit pa rin naman ako kapag nasa mood o kaya pag tinamaan ng inspirasyon gaya ng maputing singit ni Jinky Oda o ang makapal na balbas ni Mark Gil (Seryoso, may "pekpek brush" na sya ngayon)

Papaano nga ba ako nahilig mag sulat? Ganito kasi yon: Hayskul ako nun, ang usong kurso nun eh "ComEng" (computer Engineering) so sabi ko sa mga magulang, kalaro, kaklase, kaibigan, kabarkada, mga kapit bahay, kamaganak at kung sino pang produkto ng semilya ng mga magulang nila na ang kukunin kong kurso eh "ComEng".

Hala sige naman ako sa UST kasama ni Lesley Reinares na noo'y gelprend ko, nag test kami ng sabay (feeling ko noon ang mature-mature ko na kasi, basta, ganun eh..) Pol Sci ang 1st choice ko, ComEng ang Second at Fine Arts and last... Dahil tinatamad na akong mag kwento at wala naman talaga akong na pala sa USTe, bumagsak ako at pinababalik para mag "visual" para sa fine arts na siyang kinaya ng tuyo kong utak. Tae.

Ayun, na uwi ako sa San Beda... Ok naman daw doon, maganda daw ang turo sabi ng nanay ko. Na isip ko, "sige na nga, tutal puro pekpek ako nung hayskul, ngayon puro tite naman" (sa St.Mary's Academy sa Pasay ako nag elementarya at Hayskul). Muntik pa nga akong 'di tanggapin sa Beda dahil 78 daw yung conduct ko, tangina kasing adviser kong bakla na si Mananes na hindi marunong mag english na kesyo Filipino teacher daw sya at kung ano pang chechebureche. Nakakatawa dahil ang spelling nya sa "AUTOMATIC" ay "Awthomatic"... Mas nakakatawa dahil tinanggap sya ng St.Mary's.

Mabuti na lang at may kapit pala kaming pari dun, si Father Mendoza, at prinsipal sya ng San Beda hayskul. Ayun, Donut lang ang katapat ng pag tanggap sa akin sa San Beda.

Bobo ako sa Math, magbabasa na lang ako ng makapal na nobela kesa mag solve ng x+y=n, punyeta, gagamitin mo ba yun pag mag babayad ka sa jeep? "Manong eto ang x=coins ko, y=ang sukli, kulang ng n=coins..." Bobo di ba? at ang walang kamatayang "Pi" na ang value ay 3.14 something. Ano naman ang relevance nito sa pagiging call center agent ko? ang madaling sagot ay "wala". Malamang sa malamang hindi nga alam ng mga negrong kausap ko kung ano ang "pi" eh...

Ang kinuha kong kurso ay Philosophy and Human Resource Development, double major daw, mukhang maganda tingnan sa resume at mukhang madaling maka hanap ng trabaho dahil lahat nga naman ng kumpanya ay may HR. May math pero konti lang, at mukhang pang matalino ang course ko dahil "Philo" sya eh... Iyon ang akala ko...

Sa unang taon tinambakan kami ng napakaraming readings, reflection papers (hindi daw ito "reaction" paper dahil daw we don't just react, we reflect) at kung ano-ano pang ka-epalan at ka-praningan. Mahirap s'ya, demanding at tedious. Matrabaho kumbaga. At ang ayos ng upuan namin ay pa bilog, tanda daw ng pagkakapantay naming mag aaral ng pilosopiya. Bull crap!

At doon na nga ako nahilig mag basa, Nietzsche, Marx, Freud, Jung at kahit sina Plato, Aristotle at Socrates pinatulan ko na rin... Mga baklang nagpapanggap na matalino at may kwenta... Pero sa totoo lang mas sense naman talaga sila...

Matapos ang humigit kumulang apat na taon, natutunan ko ring mahalin ang pag babasa at pagsusulat. Gaya ng sarap ng pag etchas, hinahanap-hanap na ng sistema ko ang mga gawaing ito. Coolness!

Itutuloy ko ang kabaklaang ito next time... Sa ngayon kakausapin ko muna ang mabahong, pulubing customer ng Chase...